Nothing in this world....


Nothing In This World
By Paris Hilton
BestVideoCodes.com

Saturday, December 2, 2006

NARDA


(I.P.A. ko toh sa filipino, last quarter....
hahaha.. mataas nakuha kong grade d2 .. hahaha)

NARDA

isa siguro sa pinakamalungkot na status sa mundo ay ung malaman mong panget ka.pag panget ka kase pwedeng hindi ka pakinggan and on some worst case scenario pwedeng hindi ka irespeto.at ang lahat ng yun ay dahil lang sa kadahilanan na hindi ka kagandahan at hndi sinwerteng mabiyayaan ng matangos ilong,nangungusap na mga mata,malinis na balat at magandang labi.masakit man pakinggan pero yun ang tutuo.pag hindi kanais nais ang itsura mo,babagsak ka sa universal term na panget.hndi gaya pag may itsura ka maraming variations ang pwede mong bagsakan.pwedeng cute,charming,pogi,maganda,gwapo,malakas ang sex appeal at crush ng bayan.pag may mga class pictures unang napapansin sa sangkaterbang studyante ung ulikba,bingot,luwa ang mata,dapa ang ilong,sargo ang labi at mukang retarded.sila din ang madalas gawing pang asar o pampasaya sa mga induction of class officers at ninonominate bilang muse at escort.bihirang isipin kung masipag ba silang estudyante at mabait na kaklase.deprive ang mga panget na magsuot ng gown at barong pwera na lang kung first communion nila o di kaya ikakasal o magdedebut ung isa sa mga kamag-anakan nila at sila'y maiimbita

sana puso na lang ang ginagamit para makakita at hindi ang mga mata.sinungaling kase ang mga mata ng tao.tinitignan nya lang ung mga bagay na panlabas at ung mga bagay na masarap tignan.without even realizing whats on the inside.cguro kung hinusgahan lang ako sa pamamagitan ng puso at hindi ng mata.makikita nila na sa likod nitong basurang outer shell ko,may isang tao na sumasabog ang puso sa liwanag dahil naging mabuti sya at walang ibang hinangad kundi magbigay ng pag-asa sa mga hopeless at tuwa sa mga nalulumbay.kung mas pinapahalagahan lang sana ng tao ang kabutihang loob kesa sa panlabas na anyo


No comments: